Noong unang panahon sa isang nayon ay may magkasintahan. Sila ay si Juana at si Aging.Sila`y labis na nagmamahalan sa bawa`t isa. Ngunit tutol ang mga magulang ni Juana sa kanilang pag-iibigan. Gayun pa man di ito alintana ni Juana. Patuloy pa rin siyang nakikipagkita kay Aging.
Isang araw, naabutan sila ng ama ni Juana. Bigla itong nagsiklab sa galit at hinabol ng taga si Aging. Naabutan ang braso ni Aging at ito`y naputol. Tumakas si Aging at naiwang umiiyak si Juana. Pinulot niya ang putol na braso ni Aging at ito`y ibinaon sa kanilang bakuran.
Kinabukasan, gulat na gulat ang ama ni Juana sa isang halaman na tumubong bigla sa kanilang bakuran. Ito`y kulay luntian , may mahahaba at malalapad na dahon. May bunga itong kulay dilaw na animo`y isang kamay na may mga daliri ng tao.
Tinawag niya si Juana at tinanong kung anong uri ng halaman ang tumubo sa kanilang bakuran.
Tinawag niya si Juana at tinanong kung anong uri ng halaman ang tumubo sa kanilang bakuran.
Pagkakita sa halaman, naalaala niya ang braso ni Aging na ibinaon niya doon mismo sa kinatatayuan ng puno. Nasambit niya ang pangalan ni Aging.
"Ang punong iyan ay si Aging!" wika ni Juana.
Magmula noon ang halamang iyon ay tinawag na "Aging" at sa katagalan ito`y naging saging.
No comments:
Post a Comment